Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Sta. Maria, Ilocos Sur ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa mga pook pasyalan bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Tourism Day 2025.
Kaugnay nito, nagsagawa ng clean-up drive sa bahagi ng Pinsal Falls, isa sa mga dinarayong destinasyon sa lugar. Nagtulong-tulong sa aktibidad ang Municipal Tourism Office, barangay officials, at mga miyembro ng komunidad upang linisin ang paligid ng talon.
Layunin ng naturang gawain na maipalaganap ang kahalagahan ng kalinisan, lalo na sa mga pook pasyalan, upang mapanatili ang kaligtasan ng mga bumibisita at ang likas na ganda ng kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









