PAGPAPANATILI NG KALUSUGAN SA GITNA NG MGA PAGDIRIWANG, BINIGYANG-PANSIN NG DOH ILOCOS

Isinusulong ng Department of Health (DOH) – Ilocos Center for Health Development ang malusog at ligtas na kapaskuhan sa pamamagitan ng kampanyang “Ligtas Christmas 2025”.

Binigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng pagpili ng masustansyang pagkain, wastong paghawak ng pagkain, at pagsunod sa food safety standards upang maging ligtas at masaya ang kapaskuhan para sa lahat.

Pinayuhan din ang mga pamilya na maging maingat sa pagpili ng pagkain upang maiwasan ang lifestyle-related diseases na karaniwang nauugnay sa labis na pagkain sa mga handaan.

Ayon sa mga health expert, mas nagiging makabuluhan at masaya ang kapaskuhan kung isinasagawa ang moderation at balanseng pagkain sa bawat selebrasyon.

Facebook Comments