
Dinipensahan ng Philippine Air Force (PAF) ang pagpapanatili ng mga Super Tucano aircraft matapos kwestyunin ang Department of National Defense (DND) sa pagbili nito dahil sa pagiging outdated.
Nilinaw ng PAF na ang bawat air assets ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan at nakadepende sa pangangailangan.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson, Col. Ma. Christina Basco, masusing nagsasagawa ng maintenance ang ahensya sa kanilang mga air assets at nagagamit ang ito sa mga pagkakataon na ito ay higit na kailangan.
Nagbigay naman halimbawa si Basco kagaya na lamang ng nangyaring update sa mga eroplano ng Airbus na hindi napakinabangan at naging grounded ng ilang oras.
Ayon kay Basco, malaki ang tulong ng mga lumang air assets sa panahon na kagaya ng nangyari sa Airbus na hindi nagamit ang mga bago at modernong air asset.
Kaugnay nito, mayroong 6 na Super Tucano aircraft ang Philippine Air Force.









