Hinikayat ng ilang eksperto mula sa University of the Philippines ang gobyerno na panatilihin ang maayos na pagtugon sa COVID-19 at ang naitatalang mababang kaso ng sakit kada araw.
Ayon kay Dr. Guido David ng UP-Octa Research Team, kung mapapanatiling mababa ang porsyento ng bagong naitatalang kaso ng sakit, maaaring maabot ng bansa ang healthy Christmas sa Disyembre.
Nagiging sapat din aniya ang pagtutulong-tulong ng pamahalaan at publiko kaya nagpapaunlad ang pagtugon sa virus.
Samantala, pinayuhan ni Prof. Ranjit Rye ng UP-Octa Research Team ang publiko na ipagpatuloy ang maayos na pagtugon para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Ito ay matapos bumaba na sa 1.1 hanggang 1 na lang kaso ng COVID-19 sa bansa, mas mababa sa 1.4 na naitala nitong Hulyo.