PAGPAPANATILI NG SAPAT NA DUGO PARA SA MGA MANAOGUENO, TINITIYAK NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG BAYAN

Tinitiyak ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang sapat na suplay ng dugo na magagamit ng mga residente sa bayan sakaling mangailangan sa pamamagitan ito ng pagsasagawa ng Blood Donation Drive.
Nasa tatlumpu’t-pito o 37 na mga donors na mula sa mga kawani ng lokal na gobyerno ang nakibahagi sa pagdonate ng dugo.
Matapos namang makalikom ng bags ng dugo ang Rural Health Unit katuwang ang Philippine Red Cross Pangasinan Chapter ay siniguro ang mabuting pagsusuri sa mga ito upang ligtas din itong maibahagi sa mga mangangailangan ng dugo.

Samantala, hindi lamang ang mga may kailangan sa dugo ang mabebenepisyuhan maging ang mga blood donor dahil sa pamamagitan ng pagdonate ng dugo ay binabawasan nito ang panganib na dulot ng kanser maging ang mapapababa ang panganib ng mga isyu sa puso. |ifmnews
Facebook Comments