Pagpapanatili sa mandatory na pagsusuot ng face shield, welcome sa DOST

Ikinalugod ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Vaccine Experts Panel (VEP) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang polisiyang mandatory na pagsusuot ng face shield.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, nagpapasalamat sila kay Pangulong Duterte sa patuloy na pakikinig sa payo ng mga health experts na inirerekomenda ang paggamit ng face shields.

Para kay VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani, mahalaga pa rin ang pagsusuot ng face shields lalo na at nananatiling mababa ang immunization coverage ng bansa na nasa 5-percent, at nananatiling banta ang mga variants.


Ang face shield ay nagbibigay ng 95 hanggang 99-percent protection kapag sinabayan ng face masks at social distancing.

Hinimok ng mga eksperto ang publiko na sundin pa rin ang minimum public health standards lalo na at umakyat na sa 17 ang kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

Facebook Comments