PAGPAPANATILI SA ORAL HYGIENE, IGINIIT NG HEALTH AUTHORITIES

Iginiit ng Department of Health Ilocos Region ang kahalagahan ng pagpapanatili sa oral hygiene.

Ayon kay DOH-CHD1 Dentis III ng Family Health Unit, Dr. Mark Mina, hindi lamang basta pagmumog ng anti-bacterial para sa bibig, pagtotoothbrush at floss ang kinakailangan bagkus ay maagang pagpapatingin o check up sa dental clinic para mapanatiling malusog ang ngipin at bibig.

Mainam rin umano maalagaan ng tama ang oral health ng isang indibidwal dahil may kaugnayan rin ito sa iba pang parte ng katawan tulad ng kalusugan sa puso.

Payo nito na dapat tama ang paglilinis ng ngipin at bibig.

Dapat rin umano na malinisan rin ang gum line at hindi lang ang ibabaw na parte.

Ngayong Pebrero, ipinagdiriwang ang Oral Health Month na naglalayon na bigyang kaalaman ang komunidad kung ano ang importansya ng pangangalaga sa oral at kaugnayan nito sa heart health. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments