
Manila, Philippines – Hindi na kinakailangan ng individual taxpayers na mag-update ng kanilang additional exemptions sa kanilang annual income tax returns.
Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay, ang tinutukoy na additional exemptions ay yung mga menor de edad at iba pang dependents ng single o married taxpayer.
Ang exemption rate dati ay nasa 50,000 pesos kada dependent na hindi lalagpas sa apat.
Pero ang exemption ay dobleng binabayaran sa pamamagitan ng upgrade ng personal exemption na aabot sa 250,000 pesos kada indibidwal anuman ang kanyang status, mapa-single man o kasal sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Nag-isyu na rin si Dulay ng kautusan na nag-aanunsyo ng suspensyon ng Update of Exemption of Employees (UEE) batch file validation.
Sa ilalim ng kautusan, ang pagpapapalit ng civil status ay manu-mano nang gagawin sa pamamagitan ng BIR for 1905 o Application for Registration Information Update.









