Pagpapapasok ng imported na asukal sa bansa, pinalawig hanggang katapusan ng Oktubre

Pinalawig ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang deadline ng pagpasok ng natitirang 200,000 metriko toneladang imported na asukal sa bansa, hanggang sa katapusan Oktubre.

Matatandaang pinayagan ng nakaraang administrasyon noong Pebrero ang pag-aangkat ng 200,000 MT ng asukal upang madagdagan ang suplay sa taong ito.

Ang naturang direktiba ay napaso o natapos na noong Agosto 31, 2022.


Pero sa bagong direktiba ng SRA board, pinalawig nito ang deadline para sa SRA Clearance for Release of Imported Sugar hanggang noong September 30, 2022, habang ang petsa ng pagdating ng imported na asukal sa bansa ay hanggang October 31, 2022.

Naglaan din ng alokasyon ang SRA sa asukal kung saan ang: ‘A’ ay para U.S quota; habang ang ‘B’ ay para domestic consumption; ang “C” ay para sa reserba; at ang ‘D’ naman ay para sa world market.

Facebook Comments