Pagpapapasok ng mas maraming foreign currency sa bansa, inirekomenda ng isang kongresista

Pinatututukan ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa pamahalaan ang mga industriya at trabaho na magpapasok ng maraming foreign currency sa bansa.

Ang suhestyon ng kongresista ay dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Salceda, hindi siya naaalarma sa depreciation o pagbaba ng piso kontra dolyar dahil para sa mga kumikita ng foreign currency tulad ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at exporters, ang pagtaas ng dolyar ay isang “good news”.


Kaya naman, pinakamainam aniya na pantapat laban sa pagbaba ng piso ay ang kumita ng mas maraming foreign currency gaya na lamang ng pagpapataas ng husto sa mga “exports” at pagluwag ng mga alituntunin para sa mga OFWs.

Hinimok din nito ang pagpapalakas sa mga Business Process Outsourcing (BPO) upang makumbinsi pa ang nasabing industriya sa pamamagitan ng pagbibigay ng performance-based tax deductions.

Hinikayat din ang gobyerno na luwagan ang proseso sa mga OFWs na nais magbalik sa abroad at luwagan ang mga restrictions sa mga migrant workers tulad sa mga nurses na pinapatawan ng quota kung ilan lamang ang maaaring magtrabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments