CAUAYAN CITY- Nagpaalala ang pamunuan ng Batanes Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa mga residente malapit sa paliparan ng Basco, Batanes.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaputok sa lugar partikular na ang mga kwitis malapit sa approach area ng Paliparan ng Basco tuwing may flight operations mula (7AM-3PM).
Ang paggamit ng paputok sa naturang lugar ay maaaring magdulot ng panganib sa mga bumabyaheng eroplano na mag-resulta ng aksidente.
Samantala, hinihiling din ng mga otoridad ang kooperasyon ng bawat isa upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga pasahero ng mga eroplano.
Facebook Comments