Pagpaparami ng mga baboy at pagpigil sa pagkalat ng ASF, dapat madaliin ng DA

Pinamamadali ni Senator Nancy Binay sa Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang para sa kapakanan ng local hog industry.

Kasunod ito ng pagdeklara ng State of Calamity ni Pangulong Rodrigo Duterte para matulungan ang local hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ayon kay Binay, daan ang state of calamity upang malaanan ng sapat na pondo ang biosafety protocols para ma-contain o mapigil ang pagkalat ng ASF.


Hiling ni Binay sa DA, ayusin na ang sistema ng surveillance, at pagka-cull, kasama na ang imbentaryo ng mga kailangang bayaran.

Umaasa si Binay na magagawa rin ng DA ang repopulation o muling pagpaparami ng mga baboy sa bansa para matugunan ang kakulangan sa suplay ng pork products sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments