PAGPAPARAMI NG SEA CUCUMBER AT ABALONE SA BANI, PATULOY NA ISINUSULONG

Isinusulong sa bayan ng Bani ang pagpaparami ng sea cucumber at abalone na siyang malaking tulong sa hanapbuhay ng mga mangingisda sa bayan.
Ang lokal na pamahalaan katuwang ang BFAR Region 1,nagpakawala ang mga ito ng 500 piraso ng abalone at 2,000 piraso ng sea cucumber sa Sanktwaryo SanCeDado at Barangay Dacap Sur.
Ayon sa lokal na pamahalaan, dahil sa mga abalone at sea cucumber mas mapapaganda ang marine biodiversity ng lugar.

Malaking tulong din ito sa mga mangingisda sa kanilang hanapbuhay dahil patok ang mga ito sa bansa sa Asya.
Matatandaan na noong nakaraang buwan nagsagawa ng pilot testing ang bayan sa Caulerpa culture farming sa mga fishpond areas na siyang nagbibigay ng karagdagang kita sa mga mangingisda sa bayan. | ifmnews
Facebook Comments