Hinihikayat ng Philippine Statistics Authority (PSA) katuwang ang Manila Zoological and Botanical Garden ang mga nais magparehistro upang makakuha ng kanilang e-Phil ID na magtungo sa Manila Zoo.
Nabatid na ikakasa ang pagkuha ng e-Phil ID sa Manila Zoo dahil sa marami amg nagtutungo rito araw-araw.
Paraan na rin ito para mas marami pa o tumaas pa ang bilang ng nakarehisto sa e-Phil ID.
Gaganapin ito hanggang February 28, 2023 kung saan bukas ito tuwing Lunes, ala-1:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi at Martes hanggang Linggo, mula alas-9:00 naman ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Sa mga edad 15 taong gulang pataas, kinakailangan lamang na magdala ng mga kahit anong dokumento tulad ng PSA-issued birth certificate at government-issued ID.
Maaari din ang senior citizen’s ID, SSS ID, 4Ps ID, NBI clearance, police clearance/ID, solo parent ID, PWD ID, voter’s ID at postal ID.
Para naman sa mga bata na may edad lima hanggang 14 na taong gulang, kinakailangan lamang na magdala ng original copy ng school ID at PSA-issued birth certificate.
Paalala ng Philippine Identification System (PhilSys), ang mga bata ay dapat kasama ang mga magulang o legal guardian sa pagkuha ng e-Phil ID.