Cauayan City, Isabela- Nananawagan ang pinuno ng Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA Cauayan City sa mga kapwa senior citizens na hindi pa nakapag rehistro na magpalista na sa kanilang tanggapan o sa nasasakupang barangay para sa mga natanggap na ayuda.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay OSCA Head Edgardo Bebot Atienza Sr, mayroon aniyang kabuuang 12, 082 na miyembro ng senior citizens sa Lungsod ng Cauayan pero ilan sa mga ito ay wala sa listahan ng barangay.
Ang problema aniya rito ay kahit nakarehistro ang pangalan ng isang matanda sa OSCA at wala sa listahan ng barangay ay hindi pa rin mabibigyan ng ayuda.
Kaya naman pinapayuhan ang lahat ng mga senior citizens na siguruhing parehong may pangalan sa listahan ng OSCA at sa Barangay.
Samantala, sa mga bago na ngayon pa lang magpaparehistro sa barangay at OSCA, kailangan lamang magdala ng kopya ng Birth Certificate, Brgy Clearance at Cedula.
Facebook Comments