Pagpaparehistro ng plakang nagtatapos ng number 7, extended hanggang September 30,2022 ayon sa LTO

Magandang balita para sa mga may-ari ng sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa 7, inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na extended ng isang buwan ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na nagtatapos sa 7.

Ang plaka ng sasakyan na may ending 7 ay dapat mag-renew ng rehistro noong July pero na-extend ngayong Agosto 31, 2022.

Pero dahil sa utos ng LTO, extended muli ng isang buwan pag-renew ng rehistro ng hanggang September 30, 2022.


Nauna nang extended ang plaka ng sasakyan na may ending 8 na dapat mag-renew ng rehistro sa buwan ng Agosto.

Pero dahil sa utos ng LTO, extended ng isang buwan ang validity ng rehistro ng sasakyan o maaaring mag-renew ng rehistro ng sasakyan hanggang September 30, 2022.

Ang sasakyan na may ending 9 na dapat ay September ang renewal ng rehistro ng sasakyan ay maaaring magrehistro hanggang October 31,2022 at ang sasakyan na may ending 0 na dapat mag-renew ng rehistro ng sasakyan ng October ay maaaring magrehistro ng sasakyan hanggang November 30, 2022.

Ginawa ng LTO ang one month extension sa validity ng rehistro ng mga sasakyan dahil sa aberya o glitches ng LTO Management System Portal.

Bumagal kasi ang sistema ng operasyon ng LTO kaya’t marami ang nagrereklamo ng mabagal at matagal na pagrerehistro ng sasakyan.

Facebook Comments