PAGPAPAREHISTRO PARA SA A4 PRIORITY LIST NG SAN CARLOS CITY SA VACCINATION ROLL OUT, UMARANGKADA NA

SAN CARLOS, PANGASINAN – Nagsimula na ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Carlos sa pagpaparehistro kaugnay sa pagbabakuna sa iba pang mga nasa priority groups batay sa masterlist mula sa Department of Health.

Kaugnay nito, sinimulan na ang pamamahagi ng vaccination pre-registration form sa mga kabilang sa frontline personnel in essential sector under A4.5 o mga nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong mga financial services sector providers.

Ayon pa sa LGU, mahalaga ang pagpaparehistro upang maging sistematiko ang pagsasagawa ng vaccine roll-out sa mga ispisipikong kategorya.


Sa ngayon, ang mga senior citizens at mga persons with comorbidities ang binabakunahan sa iba’t-ibang mga vaccination sites ng lungsod at umabot na rin sa mahigit apat na libong mga indibidwal ang nabakunahan kontra sa COVID-19.

Inaasahan din ng LGU ang pagdating pa ng karagdagang mga bakuna mula sa National Government na siya namang gagamitin sa pagpapatuloy ng vaccine roll-out ng lungsod.

Facebook Comments