Pagpaparehistro sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang sa Taguig, sinimulan na

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang pagpaparehistro para sa pagbabakuna ng mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Kaugnay nito, hinihimok ng Taguig Local Government Unit (LGU) ang mga magulang na ipalista na ang kanilang mga anak sa trace.taguig.gov.ph.

Maaari din magpunta sa mga barangay hall upang iparehistro ang mga anak sa pamamagitan ng TRACE kiosks para makakuha ng slot sa pagbabakuna.


Gaganapin ang pagbabakuna sa mga bata sa SMX Convention Center sa SM Aura at Lakeshore Vaccine Information and Training Center.

Sisimulan ito ng alas-8:00 ng umaga at magtatapos ng alas-4:00 ng hapon.

Paalala ng lokal na pamahalaan ng Taguig, hindi na sila tatanggap ng mga hahabol sa pagpaparehistro sakaling mapuno na ang slots na inilaan sa pagbabakuna.

Maari naman bisitahin ang official website ng lokal na pamahalaan na vaccination.taguiginfo.com para malaman ang iba pang updates at anunsiyo sa gagawing COVID-19 vaccination sa lungsod.

Facebook Comments