Suportado ng mga Senador ang pagpaparepaso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng kontrang may kaugnayan sa pag-utang ng pamahalaan.
Ayon kay Senate Minority Leader Frankin Drilon, sa nabanggit na hakbang ay makikita kung agrabyado ang pilipinas sa mga loan agreements nito lalo na sa China.
Good news ito para kay Senator Joel pero sana aniya ay agad ikinonsidera kung pabor o hindi sa mga pilipino ang nabanggit na mga kontrata bago ito naiselyo.
Diin naman ni Senator JV Ejercito, ang pasya ni Pangulong Duterte ay nagpapatunay na pinoproteksyunan nito ang kapakanan ng ating bansa.
Katwiran naman ni Senator Sherwin Gatchalian, buwis ng taumbayan ang pinambabayad sa utang ng bansa kaya dapat maging malinaw sa publiko ang anumang kontrata na magiging pasanin nila.
Sabi naman ni Senator Kiko Pangilinan, babantayan nilang mabuti ang pagrepaso sa loan agreements at aasa sila na hindi magbibigay-bawi dito si Pangulong Duterte.
Giit naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, dapat maparusahan ang sinumang na lalabas na nagpabaya sa pagpasok ng gobyerno sa mga kontrata kung saan dehado tayo.