Lanao Del Sur – Hindi nagmula sa militar ang bumagsak at pinasabog na mortar rounds sa bisinidad ng Mindanao State University (MSU) kahapon ng umaga sa Barangay Marantao, Marawi City, Lanao Del Sur.
Ito ang naging pahayag ni AFP public Affairs Office Marine Col. Edgard Arevalo batay sa kanilang ginawang inisyal na imbestigasyon sa pagpapasabog.
Paliwanag ni Arevalo, mayroon silang mga itinalagang tao sa paligid ng MSU kaya malabong nagmula sa unit ng AFP ang bumagsak at sumabog na mortar rounds.
Posile aniyang galing ito sa mga supporter o sympathizers ng mga kalaban o di kaya ay mismong sa Maute-ISIS fighters.
Layon aniya ng mga ito na manggulo at takutin ang mga residente sa lugar lalo na ang mga esudyante na nasa eskwelahan. at pangalawa gusto nilang guluhin ang MILF dahil mayroon silag base sa lugar
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng militar upang matukoy kung anong partikular na grupo ang nagpasabog.
Payo naman ni Arevalo sa mga taga-Marawi at mga karatig lugar ng lungsod na manatiling alerto upang mapigilan ang posible pang panggugulo ng mga kalaban.