Pagpapasahod sa mga driver at operators, ipauubaya na dapat sa gobyerno o sa LGUs

Itinutulak ni Kabayan Representative Ron Salo na gobyerno o kaya ay Local Government Units (LGUs) na ang magpasahod sa mga operators at drivers.

Sa inihaing House Bill 7270 ni Salo, mula sa tradisyunal na ‘boundary system’ ng public transportation ng bansa ay hinikayat nito na magkaroon na ng ‘transportation service contracting scheme’.

Sa kasalukuyan aniya ay nakadepende ang kita ng mga drivers at operators sa dami ng pasahero na siyang nagiging dahilan ng ‘chokepoints’ o pagsisikip sa mga pangunahing lansangan lalo na tuwing rush-hour.


Nakasaad sa panukala na sa ilalim ng bagong transportation scheme ay Department of Transportation (DOTR) o kaya ay LGU na ang magpapasweldo sa mga driver at operators.

Ang sahod ay ibabase naman sa haba ng oras ng operasyon o kilometro na ibinyahe o pareho at may kaakibat na insentibo o multa depende sa performance ng operators at drivers.

Layunin ng panukala na mabigyan ng maaasahan, ligtas at epektibong public transportation ang mga commuters gayundin ay matugunan ang tuluy-tuloy at sapat na kita ng mga tsuper at operators.

Facebook Comments