Manila, Philippines – Tutol si House Speaker Alan Peter Cayetano sa suhestyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isama sa mga anti-illegal drug operation si Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Cayetano, sa halip na makatulong ay baka sumama pa ang operasyon at makasagabal lamang dito si Robredo.
Katuwiran ni Cayetano, nasa line of succession ang bise presidente kaya kung sasama ito sa operasyon ay dapat may kasama ring PSG.
Paliwanag pa nito, hindi basta-basta ang mga buy-bust dahil hindi naiiwasan minsan na magkaputukan kaya delikado ito para sa bise presidente.
Payo ni Cayetano, ang pwedeng gawin ni Robredo ay mag-monitor na lang sa command center kung mayroong body cameras ang mga operatiba.
Pero huwag na huwag sa actual operation dahil malaki ang tsansang ma-kompromiso pa ito.