PAGPAPASARA NG ANIM NA DEKADANG DUMPSITE SA DAGUPAN CITY, PUSPUSANG ISINASAGAWA

Tuloy tuloy na ang pagpapasara ng matagal nang problemang dumpsite sa bahagi ng Brgy. Bonuan Tondaligan, Dagupan City.
Ayon sa City Environment and Natural Resources (CENRO) Officer sa naganap na pulong, kailangan umano ang tuloy tuloy na mga proyekto sa lugar upang matugunan ang animnapung taon ng problema sa basura.
Alinsunod din nito, muling iminungkahi ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pakikiisa at disiplina ng bawat Dagupeños upang makatulong na mapasara ang dumpsite.
Sakaling mapasara na ang dumpsite, nakatakdang ipatayo sa naturang bahagi ang EcoTourism Park na inaasahang makatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapalakas ng turismo ng Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments