Target ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City na tuluyang maisara ang matagal nang dumpsite sa Barangay Bonuan bago matapos ang taon.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez, puspusan na ang isinasagawang paghahakot ng basura mula sa nasabing lugar, na kasalukuyang dinadala sa Urdaneta Metro Waste Facility.
Layunin nitong tapusin na ang operasyon ng halos anim na dekadang dumpsite bilang bahagi ng mas malawak na programang pangkalikasan ng lungsod.
Batay sa datos ng city government, higit 200 tonelada ng basura ang nahahakot araw-araw mula sa lugar gamit ang pitong dump truck, tatlong backhoe, at isang payloader. Bukod pa rito, may bahagi ng mga basura ang ipinapadala sa isang planta sa Bulacan kung saan ito’y kino-convert sa enerhiya.
Matatandaang noong unang linggo ng Marso ay sinimulan na ang paghahakot ng basura bilang paghahanda sa planong pag-develop ng isang eco-tourism park sa dating dumpsite.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments