Manila, Philippines – Inalmahan ng mga residente ng Brgy.San Andres sa Cainta, Rizal ang pagpapasara ng isang tulay na nagdurugtong sakanilang lugar at sa Pasig City.
Nitong Marso ay sinimentuhan at isinara sa publiko angtulay kaya’t ang mga dumaadaan dito ay napilitang tumawid sa pansamantalangtulay na gawa sa kahoy na delikado para sa kanila.
Ayon naman sa Pasig City Engineering Office, ipinasaraang tulay dahil na din sa kahilingan ng mga residente sa pribadong subdivisionsa Sta. Lucia matapos mapag-alaman na dito nagsidaraanan ang mga masasamangloob.
Napag-alaman na pinahintulutan ng mga opisyal ng barangayat ng lokal na pamahalaaan ng Pasig at Cainta ang nasabing proyekto.
Nangako naman ang city engineering office namakikipag-dayalogo sa DPWH sa lalong madaling panahon upang matapos angnaturang tulay.