Pagpapasara ng mga sementeryo sa Undas, pinag-aaralan na ng NTF Against COVID-19

Pinag-aaralan na ng National Task Force Against COVID-19 ang pansamantalang pagpapasara sa mga sementeryo ngayong Undas.

Ito ay para maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19 dahil sa inaasahang pagsisiksikan ng mga tao sa mga sementeryo.

Ayon sa tagapagsalita ng task force na si Brigadier General Restituto Padilla, mas mainam kung pupunta na lang nang maaga sa mga sementeryo ang publiko para dalawin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.


Una nang ipinag-utos ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo sa lungsod mula October 31 hanggang November 3.

Facebook Comments