Pagpapasara sa 18 ektaryang open dumpsite sa San Jose del Monte, hiniling ng mga grupong relihiyoso at iba’t ibang sektor

Nagsama-sama na ang mga religious at  ang iba’t ibang sektor  para ipanawagan ang tuluyang pagpapasara sa 18 ektaryang open dumpsite sa San Jose Del Monte City, Bulacan na pinatatakbo ng Wacuman company.

Ayon kay Sosimo Lorenzo, presidente ng Liga ng mga Barangay ng SJDM,

Nangangamba na kasi ang mga residente sa perwisyong dulot ng open dumpsite  mula sa itinatapong basura mula sa 17 bayan sa kabuuang 25 bayan at siyudad ng Bulacan at ilang lugar pa sa Metro Manila.


Bukod pa rito ang pinangangambahang makaapekto sa malawak na watershed area sa kalapit na Sierra Madre.

Ipinakita na kanina ng mga residente, religious sector, barangay officials, farmers group at iba pang NGOs ang kanilang pagtutol matapos magsagawa ng prayer rally sa simbahan na katabi lang ng City government ng San Jose Del Monte.

Taong 2007 nang itayo ang open dumpsite sa boundary ng SJDM City at Norsagaray sa ilalim ng panunungkulan ni dating Mayor Reynaldo San Pedro.

Naging mainit ang usapin sa dumpsite ng mag-isyu ng permit to operate ang Norsagaray LGU sa property na sinasabing sakop na  ng San Jose del Monte City.

Nilinaw pa ng grupo na ilegal ang operasyon ng Wacuman  dahil wala silang permit mula sa San Jose del Monte LGU.

Facebook Comments