Pinapa-imbestigahan ni Senator Leila M. de Lima ang pagpapasara sa 55 lumad schools o mga paaralan para sa mga katutubo sa Davao.
Ang hiling ng senadora ay nakapaloob sa inihain niyang Senate Resolution No. 34.
Ang nabanggit na mga paaralan ay ipinasara dahil sa hinala na nagtuturo ito ng ideolohiya ng mga makakaliwa na paglaban sa gobyerno.
Tinukoy sa resolusyon ang pahayag ni Department of Education Regional Spokesperson Jenielito Atillo na may national security report na nagsasabing hindi sinusunod na lumad schools ang itinakdang curriculum.
Pero giit ni de Lima, hindi tamang mawalan ng oportunidad ang mga batang lumad na makapag-aral dahil sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa New People’s Army.
Facebook Comments