Suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang lahat ng gaming franchises at concessions na inisyu ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa iregularidad at korapsyon.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – ang pagpapasara sa mga PCSO gaming outlets ay maiiwasan ang pag-aaksaya sa financial resources ng PCSO.
Matitigil din aniya nito ang malawakang korapsyon at masimulan ang reporma at rehabilitasyon.
Inasahan na ng DILG ang lahat ng unit ng PNP sa buong bansa para ipatupad ang direktiba ng Pangulo at tiyaking lahat ng PCSO gaming outlets ay sarado.
Facebook Comments