Maging babala sana sa mga may-ari ng mga establisyemento ang pagpapasara ng Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan City.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar matapos ang paglabag na ginawa ng may-ari ng Gubat sa Ciudad Resort sa umiiral na health protocols.
Ayon kay Eleazar, hindi sila magdadalawang isip na aksyunan ang mga kaparehong reklamo ng paglabag sa health protocols lalo pa at pwede itong pagmulan ng matinding hawahan.
Kaya naman umaapela si Eleazar sa publiko na makipagtulungan sa PNP.
Hinihimok niya rin ang mga opisyal at miyembro ng barangay na bantayan ang kanilang lugar dahil sila ang mas pamilyar sa nasasakupan nila.
Sinai ni Eleazar, alam niyang hindi lahat ng sulok ay mababantayan ng mga pulis kaya importante kung makakakuha sila ng dagdag na suporta mula sa komunidad.