Cagayan Valley- Sinusuyod na ng mga kapulisan sa lambak ng Cagayan ang mga posibleng pasugalan na nagsasagawa ng lahat ng uri ng posibleng sugal bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na iparasa lahat ng pasugalan sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Sa Cauayan City, may mga ilang lotto outlet na rin ang kusa ng nagsara sa kautusan na rin ng nasabing ahensya sa mga ito.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa ilang mga lotto agent, nagkusa na silang magsara bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Inaasahan naman na magiging hamon ito sa publiko lalo na sa mga taong nakagawian na ang pagtaya sa nasabing sugal.
Tiniyak naman ng 5th Infantry Division Philippine Army na handa silang magbigay ng augmentation force sa kapulisan sakaling kailanganin ang kanilang pwersa sa pagpapatupad ng nasabing kautusan ng Pangulong Duterte kaugnay sa pagpapasara sa mga nasabing lotto outlet at iba pang uri ng pasugalan.