Suportado ng Department of Interior and Local Government o DILG ang rekomendasyon ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na i-take over ang mga tourism sites sa buong bansa na hindi nakakasunod sa environmental laws katulad na ginawa sa Boracay.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang kampanya para i-restore, rehabilitate at i-preserba ang natural wonders gayundin ang pagpursige na tiyaking nakakasunod sa umiiral na batas ay parating team-effort ng lahat ng government agencies lalo na ng DOT, DENR at DILG.
Payag ang kalihim na ang bawat beach o resorts sa El Nido, Palawan na bigo sa pagtugon sa governmental regulations sa pagtatapos ng six-month deadline ngayong Mayo 30 ay ipapasara na.
Aniya binigyan na sila ng sapat na panahon para sumunod pero nabigo sila gayunman may isang buwan pa ang mga ito para gawin ang nararapat.
Ayon sa DILG chief may mga sumunod sa kautusan pero marami pa rin ang zero-compliance.
Paliwanag pa ni Año, ang Local Government Units (LGUs) ang nagpapatupad ng regulasyon at nagkakansela ng mga permits ng non-compliant establishments at kung hindi kayang gawin ay mag-te-take over na ang National Government.
Kapag pumasok na ang National Government bubuo ito ng isang inter-agency management team na kahalintulad na ginawa sa Boracay.