Isa sa adhikain ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang pagpapalago ng Bangus Industry sa Dagupan City bilang kilala ang syudad sa masasarap at malinamnam ng bangus, gayundin na isa ito sa hanapbuhay ng mga Dagupeno.
Patuloy ang pagpromote ng Dagupan Bangus sa naganap ding Bangusine 2023 o Bangus Cuisine Event tampok ang Bangus Recipes with a Twist.
Iprinisenta ng mga kalahok ang kanilang pinagmamalaking potahe bilang Bangus na main ingredient. Nilahukan ito ng kinatawan ng Universidad de Dagupan, Lyceum-Northwestern University, Systems Technology Institute, Philippine College of Science and Technology, Maxima Training Center, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Barangay Salapingao, Solo Parents Association, Senior Citizens Association, Office of Senior Citizens Affairs, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Service Point Officers, KATROPA, Barangay Librarians at Child Development Workers.
Magkakaibang kompetisyon ang naganap sa BANGUSINE 2023 tulad ng Bangus Sisig-making Competition at Bangusine Cooking Cup Competition.
Itinanghal naman ang mga nangibabaw ng Bangus recipes sa kategoryang Bangus Sisig-making Competition mula sa grupo ng Barangay Nutrition Scholars, Barangay Service Point Officers, at sa kategoryang Bangusine Cooking Cup Competition, mga nanalong grupo mula sa Universidad de Dagupan, Systems Technology Institute at Barangay Salapingao.
Kalakip nito ang pagbibigay kilala sa Dagupan Bangus at mga recipe na maaaring magawa gamit ang main ingredient na bangus. |ifmnews
Facebook Comments