Pagpapasok ng maraming imported na sibuyas sa bansa, kinwestyon sa Kamara

Binusisi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapapasok sa bansa ng maraming imported na sibuyas gayong panahon ng anihan ng sibuyas ngayon.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, sinabi ni Bureau of Plant Industry (BPI) Dir. George Culaste na nasa higit 7,800 metric tons o katumbas ng 300 containers ng “yellow onions” ang nakapasok sa Manila International Container Port o MICP at South Port.

Banat tuloy ng mga mambabatas, ito pala ang dahilan kaya nalulugi ang mga magsisibuyas o mga lokal na magsasaka dahil sa dami ng mga pumapasok na imported na mga sibuyas.


Paliwanag ni Culaste, ang higit sa pitong libong metrikong toneladang sibuyas ay batay sa SPS Import Clearance o SPSIC kung saan ito ay para sa huling bahagi ng Oktubre 2021, at ang huling araw ng arrival ay noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Depensa naman ni Jesusa Ascutia ng BPI, nailabas lamang ang mga sibuyas noong Enero 2022 dahil na-proseso lamang ito noong Disyembre at na-delay ang inspeksyon dahil sa “force majeure” o mga hindi inaasahang pangyayari habang wala na rin aniyang pumasok na imported na sibuyas noong Pebrero.

Facebook Comments