Pagpapasok sa mga na stranded samga boarders ng Pangasinan, hindi pa rin pinapayagan ng walang clearance mulasa DILG at IATF

Sa pagbisita ni Joint Task Force Corona Virus Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar nilinaw nito na hindi pa rin pinapayagan ang pagpapasok ng mga nastranded na indibdwal sa rehiyon kahit pa ilan sa mga probinsiya dito ay nasa ilalim na ng General Community Quarantine.

Kamakailan umabot sa apatnaput anim na mga indibdwal na nastranded sa boundary ng tarlac-rosales sa boarder control point sa Pangasinan na nasa ilalim pa rin ng ECQ, ang pinayagang makabalik na sa kanilang mga bayan matapos ang labing apat na araw na pananatili sa Regional Boarder Control Point.

Ayon kay Eleazar,kung ito rin ang nais ng gobernador ng probinsiya ay maari umanong makipag uganayan sa Department of Interior and Local Government at sa IATF upang mabigyan ng clearance. Ito lamang umano ay bilang pag-iingat upang hindi kumalat ang virus. Ayon naman kay Region1 Regional Director Joel Orduña, patuloy naman na nag-aadjust ang mga tao sa rehiyon dahil sa patuloy na pagpapaintindi sa mga ito an protocol mula ECQ hanggang sa GCQ.


Samantala, may mga ilan pang mga nastranded na nanatili sa boarder point at inaasahan na dadaan sa RT-PCR test para sa COVID 19. [image: eleazar-imeg-speech-e.jpg]

Facebook Comments