Pagpapasuko sa mga miyembro ng NPA na responsable sa pagkasawi ni Keith Absalon, suportado ng CHR

78

Sinuportahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapasuko ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na responsable sa pagkasawi ni football Juniors Most Valuable Player Keith Absalon at pinsan nito na si Nolven Absalon dahil sa pagpapasabog ng landmine sa Masbate.

Sa inilabas na pahayag ng CHR, mariin nitong kinokondena ang nangyari sa pagpatay sa magpinsan na maituturing na paglaban sa International Humanitarian and Human Rights Law.


Dapat namang kusa nang sumuko sa pamahalaan ang mga maysala, upang pagbayaran ang ginawa nito.

Si Absalon at ang pinsan nito ay kabilang sa tatlong nasawi sa Masbate kung saan tinitignan na rin ang anggulong pagpatay base sa lumabas na death certificate ng mga ito.

Facebook Comments