Pagpapasunog ng Bicol Central Academy official sa bag ng mga estudyante, binatikos

Manila, Philippines – Kinalampag ni Committee on Education Chairman Senator Francis Chiz Escudero ang Department of Education o DepEd.

Ito ay para imbestigahan ang napabalitang pagpapasunog ni Bicol Central Academy Administrator Alexander James Jaucian sa bag ng mga estudyante noong Biyernes, August 17.

Ayon kay Escudero, kung totoo ang balita ay maituturing ang hakbang ni Jaucian na isang kalupitan.


Diin ni Escudero, mali at hindi nararapat na paraan ng pagpaparusa sa mga mag-aaral ang ginawa umano ni Jaucian.

Walang namang nakikita si Senator Sherwin Gatchalian na mabuting idinulot ng aksyon ni Jaucian.

Giit ni Gatchalian, kinumpiska na ang bag ng mga estudyante kaya hindi na kailangang sunugin pa.

Facebook Comments