Pagpapasuspindi sa 33 government officials na sabit sa Pharmally controversy, magsilbing babala dapat sa mga taga-gobyerno

Nagbabala si Senator Risa Hontiveros sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno matapos ang pagpapataw ng preventive suspension ng Ombudsman sa 33 government officials na sabit sa Pharmally controversy.

Ayon kay Hontiveros, malaki ang impact ng suspension ng Ombudsman kung saan damay ang mataas na opisyal nito na si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong.

Aniya, sa nangyaring ito ay nagpapakita ng isang malakas na paalala at babala sa lahat ng mga nagtatrabaho sa gobyerno na hindi dapat lumabag sa batas na dapat sila ang sumusunod at nagpapatupad.


Hindi aniya ito maituturing na maliit na bagay dahil ipinapakita lamang na hindi makakalusot sa iligal na gawain ang mga taga gobyerno dahil may mga constitutional body gaya ng Ombudsman at Commission on Audit (COA) na kayang magdisiplina at magparusa sa kanilang hanay.

Umaasa si Hontiveros na magiging daan ang imbestigasyon ng Ombudsman para sa pagpapanagot ng iba pang matataas na opisyla na posibleng nasa likod o utak ng anomalya.

Facebook Comments