Pagpapataas ng ayuda sa mahihirap, dapat pag-aralang mabuti ng DOF

Iginiit ni Senator Koko Pimentel sa Department of Finance o DOF na ulitin ang kompyutasyon sa halaga ng ipapamahaging ayuda sa mga mahihirap.

Layunin nito na madagdagan pa ang tulong-pinansyal na ibibigay ng gobyerno sa mga maralitang pamilya sa bansa na para kay Pimentel ay napakaliit na halaga.

Ang mungkahi ni Pimentel sa DOF ay kasunod ng pasya ng Malacañang na itaas ang buwanang ayuda sa mga kapuspalad sa 500 pesos mula sa dating 200 pesos.


Wala namang isyu kay Pimentel kung sa loob lamang ng tatlong buwan magbibigay ng ayuda ang pamahalaan sa harap ng walang patid na pagtaas sa presyo ng langis.

Sabi ni Pimentel, ito ay upang hindi matali ang susunod na administrasyon sa commitment ng Duterte administration na magtatapos na sa Hunyo ng kasalukuyang taon.

Facebook Comments