Pagpapataas ng food production ng bansa, inaasahan sa bagong kalihim ng DA

Hiniling ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, sa bagong talagang Kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Secretary Francis Tiu Laurel Jr., na gawing prayoridad ang pagpapataas ng food production ng bansa.

Ayon kay Pimentel, bigyan din ng pagkakataon ang kalihim na patunayang karapat-dapat siya sa posisyon.

Aniya, dahil isang matagumpay na negosyante si Laurel sa larangan ng fishing sector, maaaring isa itong patunay na may kaalaman siya sa ilang mga isyung pang-agrikultura.


Sinabi naman ni Senator Sherwin Gatchalian, na ang pagkakatalaga kay Laurel ay isang hudyat na ang agricultural sector ay nangangailangan ng praktikal at makatwiran na solusyon para mapataas ang produksyon.

Dagdag pa ng senador, napapanahon na rin na maging bukas ang sektor sa mga korporasyon para mag-invest partikular sa mechanization at pagtatatag ng ekonomiya para sa pagkakaroon nito ng sapat na karanasan.

Facebook Comments