PAGPAPATAAS NG KALSADA SA BARANGAY LASIP, CALASIAO, SOLUSYON UMANO SA MATAGAL NANG PROBLEMA SA PAGBAHA

Pagpapataas ng kalsada ang nakikitang solusyon sa halos dalawang buwan kung abutin na pagbaha sa Brgy. Lasip Calasiao.

Apektado ang naturang barangay sa tuwing umaapaw ang Marusay River sa bayan kabilang na rin Brgy. Talibaew.

Ang ilang residente sa lugar kinakailangan pang magbangka para lamang makatawid.

Ayon sa isang opisyal ng barangay, inumpisahan na ang konstruksyon sa kalsada ng barangay noong Nobyembre. at inaasahang matatapos sa Mayo o Hunyo sa susunod na taon.

Ang proyekto umano ay isinagawa pagkatapos na magpulong ang mga residente ng Barangay kasama ang DPWH.

Anila, ang inisyal na plano ay road elevation lang umano ngunit kalauna’y isinabay na ang pagsasagawa ng drainage upgrade.

Umaasa naman ang mga ito na mapadali ang konstruksyon upang maibsan ang hirap ng mga residente sa araw-araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments