Isinusulong ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na mataasan ang passenger capacity ng mga Public Utility Vehicle (PUV) kasunod ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 3.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Steve Pastor, makakatulong ito hindi lamang sa mga commuter kundi maging sa kabuhayan ng mga tsuper at operators.
Hindi pa naman masabi ng ahensya kung hanggang saan nila itataas ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Pastor, pormal nilang isusumite ang kanilang panukala sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Nabatid na kasalukuyang nasa 50% ang passenger capacity ng mga PUV.
Facebook Comments