Pagpapataas ng produksyon ng pagkain at digitalization, tututukan ng pamahalaan sa susunod na tatlong taon

Tututukan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapataas ng produksyon ng pagkain, tulad ng bigas, gulay, isda, at karne sa susunod na tatlong taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DA Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa na ito ang pangunahing prayoridad ng Marcos administration sa three-year agricultural plan.

Kabilang din dito ang karagdagang irrigation system, post-harvest at storage facilities, farm mechanization, paggamit ng makabagong teknolohiya, at research and development.


Dagdag pa ni de Mesa, prayoridad rin ng DA ang digitalization sa agri sector, upang mapabilis ang pagsasama ng teknlohiya sa pagsasaka at logistics.

Layunin naman nitong mapataas ang kita ng mga magsasaka, mapababa ang halaga ng bilihin, maisaayos ang data collection upang mapabilis rin ang pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa merkado.

Facebook Comments