Iginiit ng Philippine Medical Association (PMA) na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagpapataas ng vaccination rate ng bansa kaysa sa Alert Level System.
Ayon kay PMA President Dr. Benito Atienza, dapat pataasin pa ng pamahalaan ang vaccination rate sa mga senior citizens, immunocompromised individual, at mga batang edad 5 hanggang 11.
Aniya, nasa 15.8 million kabataan sa nasabing age group ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
“Sa amin, parang ang tingin ko ang kailangan natin mabakunahan muna ang lahat kasi sabi nga, marami pa ring seniors at saka mga immunocompromised ang hindi pa nababakunahan. Tapos, iyong babakunahan nating mga kabataan na below five to eleven (5-11), ang dami niyan eh, ano ‘yan, 15.8 million. Eh ang nababakunahan pa natin, according to Doctor Cabotaje noong until Friday, ang nabakunahan pa lang is 69,800 sa 54 vaccination sites. Ito ang mga pilot sites para sa mga bata na five to eleven (5-11),” ani Cabotaje