Pagpapataas sa edad na sakop ng statutory rape sa 16 years old, aprubado na sa committee level ng Senado; maagang pag-aasawa ng Indigenous Peoples, iginagalang sa nasabing panukala!

Igagalang ang kultura ng maagang pag-aasawa ng Indigenous Peoples o IPs community.

Ito ang binigyan diin ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kaugnay sa pagpasa sa Senate Committee on Justice and Human Rights at Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ng panukalang batas na layong itaas ang edad na sakop ng kasong statutory rape sa bansa.

Layon ng panukala na mapatawan ng parusa ang mga mang-aabuso sa kabataang hanggang 16 years old, kumpara sa nakasaad sa batas ngayon na hanggang 12 years old lamang.


Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Zubiri na mayroong Romeo and Juliet provision sa ilalim ng nasabing panukala kung saan pinapayagang magpakasal ang magkalapit ang edad.

Pero binigyang diin ni Zubiri na kung ang karelasyon ng isang menor de edad ay higit 18 years old pataas, dapat na siyang managot sa nangyaring sexual act.

Nabatid na nagkasundo ang mga Senador na may pangangailangan na amyendahan ang naturang batas dahil na rin sa pagtaas ng kaso sa bansa ng mga menor de edad na nagiging biktima ng rape gayundin ng teenage pregnancy.

Sisikapin ng Senado na matapos ang committee report ngayong weekend upang maipresenta na ito sa plenaryo sa Lunes.

Facebook Comments