Inihayag ng Department of Health (DOH) na sinira ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 ang pagpapatag ng pamahalaan sa COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman higit na mas mataas ang naitala nitong February 14 to 27 ng halos 13.72 percent kumpara sa naitalang kaso noong January 31 to February 13.
Aniya, ang nasabing pagtaas sa kaso ay kapansin-pansin sa National Capital Region kung saan umabot sa 55.47 percent ang itinaas nito sa loob lamang ng dalawang lingo.
Sinundan naman ito ng 44.66 percent growth rate sa Central Visayas at 11.83 percent naman sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa kabila nito, tiniyak ni De Guzman na nanatiling nasa ‘safe zone’ ang healthcare utilizations sa nasabing mga rehiyon.