Pagpapatala sa mga bata para sa pagbabakuna, binuksan na ng Metro Manila mayors

Bukas na ang pre-registration sa pagbabakuna para sa mga kabataan edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Sa presscon sa Malakanyang, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Benhur Abalos na paghahanda lamang ito ng mga alkalde sa Metro Manila.

Paliwanag ni Abalos, layon nitong maihanda na ang listahan ng mga babakunahang mga bata para saka-sakaling magbigay na ng go signal ang National Task Force (NTF) ay kasado na ang master list.


Sa ngayon ani Abalos, pinag-aaralan na ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang magiging sitwasyon bago masimulan ang bakunahan sa mga menor de edad.

Giit nito, kapag naabot na ang malaking porsyento ng buong populasyon sa bansa na nabakunahan na ay posibleng magsimula na ang pagbabakuna sa mga kabataan na nasa 12 hanggang 14 milyon.

Tanging Pfizer at Moderna pa lamang ang nagawaran ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) para gamitin sa mga kabataan na nasa 12 hanggang 17 taong gulang.

Facebook Comments