Pagpapatalsik kay Arnulfo Teves Jr., sa Kamara, posibleng talakayin ng kanyang kinabibilangang partido

Posibleng talakayin ng Nationalist People’s Coalition o NPC kung patatalsikin na rin sa partido si Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Arnie Teves Jr., matapos siyang alisin bilang miyembro ng Mababang Kapulungan.

Ayon kay Rizal 1st District Rep. Michael John Duavit, na syang pinuno ng House contingent para sa NPC, dapat itong pag-usapang mabuti lalo’t may local party din at mga kasamahan sa Negros Oriental si Teves, na kailangan mahingan ng opinyon.

Samantala, mismong si Duavit ay bomoto pabor sa pagtangal kay Teves sa Kamara dahil tiwala syang naging patas ang proceedings at nabigyan ng due process si Teves.


Kaisa si Duavit sa posisyon ng Kamara na dapat ay noon pa bumalik ng bansa dahil mali na inabandona nito ang kanyang trabaho at ang sinumpaang tungkulin bilang mambabatas.

Facebook Comments