Pagpapatalsik sa pwesto kay VP Sara Duterte, planado ayon sa isang senador

Planado ng Kamara ang planong pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, pulido at nakataga na sa bato ang planong impeachment laban kay VP Duterte.

Bahagi aniya ng plano ang pag-iimbestiga ng Mababang Kapulungan ang paggamit sa confidential funds ng Vice President.


Sinabi ni Dela Rosa na balewala rin ang pagpapagod ng bise-presidente kahit magpaliwanag pa ito dahil isa lang ang kanyang kauuwian, at ito ay ang impeachment.

Dagdag pa niya, bahagi rin ng plano ang nag-leak na text message ni Pangulong Bongbong Marcos na nakikiusap sa mga mambabatas na huwag nang ituloy ang impeachment laban kay VP Sara dahil matapos itong kumalat at kumpirmahin ng Pangulo ay siya namang paghahain dito ng impeachment complaint sa Kamara.

Facebook Comments