Pagpapatatag ng regional comprehensive economic partnership, malaking hamon sa bansa

Manila, Philippines – Aminado si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na malaking hamon para sa bansa ang ongoing negotiations para sa matatag na Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) kaugnay pa rin sa ginaganap na 31st ASEAN Summit and Related Summits.

Ayon kay Lopez, kasalukuyan pa rin ang pakikipagnegosasyon para sa pagbuo ng mga kasunduan sa ilalim ng RCEP.

Layunin nito na magkaroon ng matatag na ugnayan ang mga bansa sa Asya at sa iba pang mga bansa sa iba`t ibang bahagi ng mundo tungo sa pagunlad ng ekonomiya sa mga susunod pang taon.


Kaugnay dito, mayroon ng limang ministerial level of meetings at 20 rounds ng negosasyon ang ginawa kamakailan lamang sa South Korea.

Hiniling ni Lopez sa gobyerno at sa ibang sektor na suportahan ang negotiating teams ng bansa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan na maresolba ang mga isyung pangekonomiya.

Hamon din kay Lopez ang pagbuo ng kongkreto at malinaw na roadmap at agreement na mapagkakasunduan ng lahat ng mga state leaders.

Facebook Comments